DUTERTE : The Greatest President of all Time

     




     Pagpasok pa lamang ng taon ay hindi na mabilang ang mga trahedyang naranasan ng sambayanan. Mula sa pagputok ng taal hanggang sa paglaganap ng sakit na corona virus. Bilang isang mamayang Pilipino batid ko ang bigat ng problemang hinaharap ngayon ng ating pangulo. Bakas sa kanyang mukha ang pagod at higit sa lahat ang pag-aalala. Paano nga ba malalampasan ang trahedyang ito kung ang mismong kalaban ay hindi naman nakikita. Unti-unting sinasakop ng sakit na ito ang buong mundo kabilang na nga ang Pilipinas. Wala pang lunas at tunay ngang nakakabahala. Libo-libo na ang kinitil na buhay walang pinipili mayaman man o mahirap.

      Sa pagkakataong ito kailangan ng pangulo ang kooperasyon hindi lamang ng kanyang mga ka-alyado kundi ang buong sambayanang Pilipino. Pinipilit ng pangulong maibigay sa atin hindi man lahat ng pangangailangan subalit sinisikap nyang matugunan ito. Ginagawa nya ang lahat ng kaniyang makakaya para maprotektahan tayo. Pero bakit nga ba ganoon? Kahit gaano kaganda ang layunin niya para sa bayan may masasabi pa rin. Bakit hindi natin pagtuunan ng pansin ang paraan kung paano tayo bilang indibidwal na tao ay makatulong sa simpleng paraan ang sumunod sa kanya dahil ang kanyang layunin ay isang malinaw na dahilan upang maprotektahan at mailayo tayo sa kapahamakang dulot ng sakit na ito.

     Gampanan natin kung ano man ang iniatas nya sa atin. Manatili tayo sa ating tahanan. Nauunawaan ko ang dahilan at hinaing ng mga mahihirap na kumakalam ang sikmura sapagkat walang sapat na pagkain. Subalit naiisip nyo rin ba na kung susuway tayo ay mas marami pa ang mahahawa? Mas marami ang mamatay? Alam kong mahirap ito pero ang lahat ay may hangganan. Malalagpasan din natin ito kung tayo mismo ay magtutulungan. At sa mga bumabatikos sa pangulo maaring iba ang pananaw nyo sa buhay pero hindi nyo naiintindihan ginagawa ng pangulo ang lahat hindi man sya perpekto subalit ako'y naniniwala at humahanga sa kanyang abilidad.

   Hinihiling ko sa Panginoon na bigyan ka pa ng lakas at malinaw na kaisipan para magampanan mo pa ang iyong tungkulin. Mabuhay ka Ama ng Bayan.

#iStandwithThePresident

   

Comments

Popular posts from this blog

How To Commute From Manila to Rosario Batangas

How to Commute from Manila to San Juan Batangas

How to Commute from Manila to St. Padre Pio Chruch