TRENDING : PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG AMA SA GITNA NG SUNOG HINANGAAN NG MGA NETIZENS






           Hindi pa man natatapos ang panganib na dulot ng sakit na Covid-19 isa na namang kalbaryo ang hinaharap ng mga mamayan ng isang barangay sa Tondo lungsod ng Maynila. Noon lamang sabado ika-18 ng Abril, isang sunog ang lumamon sa mga kabahayan sa isang barangay sa Tondo. Ang naturang lugar ay tinawag na Happy Land. Umabot pa sa Task Force Bravo ang alarmang naidulot ng nasabing sunog bago ito naapula bandang ika-10 ng umaga.

           Sa kabila nito makikita ang larawan na ipinost ng isang netizen na tunay nga namang nakaantig sa puso ng marami. Habang ang iba ay abala sa pagliligtas ng mga gamit ang isang ito'y hindi nagatubiling buhatin at ilayo sa sunog ang kanyang ama. Hindi niya alintana ang mga naiwang gamit sa nasusunog na bahay masiguro lamang ang kaligtasan ng kanyang ama. Isang napakagandang ehemplo ang ipinamalas ng lalaking ito. Tunay ngang siya ay dapat na tularan. Busilak ang puso at nangingibabaw ang pagmamahal sa kanyang magulang. Sa kabila ng dagok sa buhay ay nanatiling positibo. Bigyan ka nawa ng lakas at awa ng Panginoon upang makabangon muli.

             Saludo kami sa'yo kabayan!!

Comments

Popular posts from this blog

How To Commute From Manila to Rosario Batangas

How to Commute from Manila to San Juan Batangas

How to Commute from Manila to St. Padre Pio Chruch