Tula ng Pagbangon



Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit nagkakaganito?
Tila lahat ay napagod pati pag-ikot nitong mundo.
Bawat patak ng luha mga tinig ng sakripisyo.
Hanggang kailan nga ba ang paghihirap na ito?

Napakapait pagmasdan na ang dating masiglang bayan
Ngayon ay puno ng pighati, pasakit at katanungan?
Paano tayo babangon? Paano ang kinabukasan?
Kahit ang pinuno ay hindi alam ang kalaban.

Dapat nating tandaan na ito ay pagsubok lamang
Marahil bigay ng Diyos upang kanyang ipaalam
Pananampalataya ng bawat isa ay tila nakakalimutan.
Kaya't sa panahong ito ang panalangin ay mainam.

Sabay-sabay nating sugpuin ang kalaban natin
Magkaisa tayo, pagmamahalan ay pairalin.
Pasasaan ba at ito'y lilipas din.
Kung ang bawat isa ay may mabuting hangarin.

Bayan kong Pilipinas pagibig sa iyo'y wagas.
Haharapin natin ng may pagasa ang bukas.
Iwawagayway natin bandila mo hirang.
Babangon tayo ng may dunong at tapang.



Comments

Popular posts from this blog

How To Commute From Manila to Rosario Batangas

How to Commute from Manila to San Juan Batangas

How to Commute from Manila to St. Padre Pio Chruch