Habang May Bukas





        Bakit nga ba tayo nabubuhay? Maraming tao ang nangangarap ng marangyang kabuhayan at mga materyal na bagay. Marami rin naman ang kuntento na lamang sa payak na pamumuhay. Simple ngunit puno ng kasiyahan. May mga taong nakapagtapos ng pag-aaral mayroon din namang hindi. May mga yumaman dahil sa pinag-aralan at mayroon ding umangat dahil sa diskarte sa buhay. May mag-asawang biniyayaan ng anak at mayroon namang nangangarap pa rin na sila ay pagkalooban. Iba-iba man ng tinatahak sa buhay may nagwawagi at may nabibigo, iisa lamang ang hangarin nang bawat isa ito ay ang patuloy na mangarap. Libre lang naman ang mangarap at nasa iyong mga kamay ang sagot sa katuparan nito. 

      

        Sa mga taong nasa maayos na kalagayan ngayon napakabuti ng Panginoon sa inyo. Pagyamanin pa lalo ninyo ang inyong kakayahan. Sa mga naligaw ng landas at hanggang ngayon ay sinusubukan pa ring bumangon huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Darating din ang tamang panahon para sa atin. Lahat ng ito'y makakamit natin hanggang may bukas. 

Comments

Popular posts from this blog

How To Commute From Manila to Rosario Batangas

How to Commute from Manila to San Juan Batangas

How to Commute from Manila to Balagtas Bulacan