Kahapon ay Lumipas : Maikling Tula





Kahapon lamang ay kayliwanag

Mapupungay na mata at pakiwaring nangungusap.

Mga pusong sumasayaw 

Sa himig ng mga ulap.


Bakit tila kay bagal ng usad nitong araw.

Bumubulong sa hangin makita ka balang araw.

Magbalik sa aking piling ikaw ang patunay,

Kasama ka sa dalangin habang akoy nabubuhay.


Sa mga awit natin magkaiba man ng liriko

Hindi mawawaglit laman ng puso ko

Pangalan mo'y isisigaw dahil ikaw ang buhay ko

Hanggang kamatayan sa iyo ang kaluluwa ko.


Panahon man ay lumipas

Walang ibang mamahalin

Matuyo man ang dahon kumupas man ang dilim

Sa dibdib koy ikaw, ikaw lamang aking giliw.


Comments

Popular posts from this blog

How To Commute From Manila to Rosario Batangas

How to Commute from Manila to San Juan Batangas