Malagim na Gabi : Maikling Tula
Sa dapit hapon palubog ang araw.
Walang patid ang ihip ng hanging dumadampi sa katawan.
Paparating ang unos at nagdilim ang kalangitan.
Tila may pagbabadyang babagsak na ang ulan.
Malamig, malamyos dumadampi sa bibig.
Ang usok ng katawan ay nagsusumidhi.
May poot may pait kumukuyom ang palad.
Habang nakagapos ay nagpupumiglas.
Nasaan ang lubid?? Wari ay nakabibighani
Sadyang lumalapat sa pitagang hinabi.
Likidong pula kusang namumutawi.
Mga matang lumuluha'y pilit pinapawi.
Nagliwanag ang kalangitan tila baga may panganib.
Pangamba ng damdamin tuluyang lumupig.
Darating pa ba ang umagang iniibig
Paglaya at pagsinta atin pa bang makakamit?
Bumuhos ang ulan kasabay ng pag agos
Pagibig na wagas ay tuluyang natapos
Bawat patak nitoy tila tumatagos
Sa kaibuturan ng pusod ng unos.
Comments
Post a Comment