Posts

Life in the midst of Quarantine

Image
            Bunsod ng pandemic na Covid-19 halos buong mundo ang nagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Isa sa pinaka mahirap na parte ng buhay ng tao ngayon ay ang maisailalalim sa tinatawag na lockdown. Bawal lumabas ng tahanan, lahat ng mga nakasanayan ay iisang tabi muna lamang. Napakahirap subalit wala tayong magagawa kundi ang sumunod. Isipin na lamang naten na ito ay para sa ating kaligtasan. Dalangin natin ang mabilis na pagsugpo sa sakit na ito upang makabalik tayo sa ating normal na buhay.

TRENDING : PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG AMA SA GITNA NG SUNOG HINANGAAN NG MGA NETIZENS

Image
           Hindi pa man natatapos ang panganib na dulot ng sakit na Covid-19 isa na namang kalbaryo ang hinaharap ng mga mamayan ng isang barangay sa Tondo lungsod ng Maynila. Noon lamang sabado ika-18 ng Abril, isang sunog ang lumamon sa mga kabahayan sa isang barangay sa Tondo. Ang naturang lugar ay tinawag na Happy Land. Umabot pa sa Task Force Bravo ang alarmang naidulot ng nasabing sunog bago ito naapula bandang ika-10 ng umaga.            Sa kabila nito makikita ang larawan na ipinost ng isang netizen na tunay nga namang nakaantig sa puso ng marami. Habang ang iba ay abala sa pagliligtas ng mga gamit ang isang ito'y hindi nagatubiling buhatin at ilayo sa sunog ang kanyang ama. Hindi niya alintana ang mga naiwang gamit sa nasusunog na bahay masiguro lamang ang kaligtasan ng kanyang ama. Isang napakagandang ehemplo ang ipinamalas ng lalaking ito. Tunay ngang siya ay dapat na tularan. Busilak ang puso at nangingibabaw ang pagmamahal sa kanyang magulang. Sa kabila ng

Mga Paraan Upang Makaiwas sa COVID-19

Image
Mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. 1. Manatili sa bahay/tahanan.    - kung walang mahalagang bibilhin at dahilan para lumabas ng tahanan mas mainam ang manatili               sa loob ng tahanan. 2. Ugaliin ang paghuhugas ng Kamay   - panatilihin ang kalinisan simulan sa sarili. Hugasan ng higit o dalawampung minuto ang mga kamay at iwasan humawak sa bibig at mukha. 3. Umiwas sa matataong lugar.   - dahil sa banta ng virus umiwas sa matataong lugar at panatilihin ang Social Distancing. Iwasan rin ang pakikihalubilo sa mga tao. 4. Siguraduhin may sapat na bitamina ang katawan.   - para makaiwas sa sakit mainam na uminom ng mga bitaminang pampalakas ng resistensya upang hindi madaling dapuan ng sakit. 5. Sumunod sa mga patakaran ng pamahalaan.   - mahigpit na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine kaya't hinihikayat ang lahat na sumunod. Maging mapagmatyag at manood ng balita upang magkaroon ng sapat na kaalaman paano malalabanan ang pagka

DUTERTE : The Greatest President of all Time

Image
           Pagpasok pa lamang ng taon ay hindi na mabilang ang mga trahedyang naranasan ng sambayanan. Mula sa pagputok ng taal hanggang sa paglaganap ng sakit na corona virus. Bilang isang mamayang Pilipino batid ko ang bigat ng problemang hinaharap ngayon ng ating pangulo. Bakas sa kanyang mukha ang pagod at higit sa lahat ang pag-aalala. Paano nga ba malalampasan ang trahedyang ito kung ang mismong kalaban ay hindi naman nakikita. Unti-unting sinasakop ng sakit na ito ang buong mundo kabilang na nga ang Pilipinas. Wala pang lunas at tunay ngang nakakabahala. Libo-libo na ang kinitil na buhay walang pinipili mayaman man o mahirap.       Sa pagkakataong ito kailangan ng pangulo ang kooperasyon hindi lamang ng kanyang mga ka-alyado kundi ang buong sambayanang Pilipino. Pinipilit ng pangulong maibigay sa atin hindi man lahat ng pangangailangan subalit sinisikap nyang matugunan ito. Ginagawa nya ang lahat ng kaniyang makakaya para maprotektahan tayo. Pero bakit nga ba ganoon? Ka

Tula ng Pagbangon

Image
Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit nagkakaganito? Tila lahat ay napagod pati pag-ikot nitong mundo. Bawat patak ng luha mga tinig ng sakripisyo. Hanggang kailan nga ba ang paghihirap na ito? Napakapait pagmasdan na ang dating masiglang bayan Ngayon ay puno ng pighati, pasakit at katanungan? Paano tayo babangon? Paano ang kinabukasan? Kahit ang pinuno ay hindi alam ang kalaban. Dapat nating tandaan na ito ay pagsubok lamang Marahil bigay ng Diyos upang kanyang ipaalam Pananampalataya ng bawat isa ay tila nakakalimutan. Kaya't sa panahong ito ang panalangin ay mainam. Sabay-sabay nating sugpuin ang kalaban natin Magkaisa tayo, pagmamahalan ay pairalin. Pasasaan ba at ito'y lilipas din. Kung ang bawat isa ay may mabuting hangarin. Bayan kong Pilipinas pagibig sa iyo'y wagas. Haharapin natin ng may pagasa ang bukas. Iwawagayway natin bandila mo hirang. Babangon tayo ng may dunong at tapang.

Fight Depression or Else it will Kill You!

Image
Paano nga ba malalabanan ang takot o depresyon?? May tatlong bagay na kailangang gawin para malabanan ang ano mang takot sa buhay. 1. Kailangang may pananalig sa Diyos.     - malalampasan natin ang ano mang problema kung buo ang ating pananampalataya sa Kanya.     - isuko natin sa kanya ang ating sarili upang maipagkaloob sa atin ang kalakasan at ang malinaw na       kaisipan. 2. Kailangan ang suporta ng Pamilya.    - mas madali tayong makakalimot sa ano mang pinagdadaanan kung may pamilya tayong aagapay      sa atin.    - kailangang maging bukas tayo sa ano mang suhestyon at kailangang tanggapin natin ang sasabihin      nila sa atin masama man o mabuti sa ganoong paraan gagaan ang ating pakiramdam. 3. Tulungan natin ang ating Sarili.    - bukod sa Diyos, sa ating Pamilya walang sinuman ang makakatulong sa atin kundi ang ating sarili      lamang.    - kailangan nating maging matatag sa ano mang pagsubok sa ating buhay.    - matuto tayong tumanggap ng sariling pagk