Posts

VIRAL : Tatlong Magkakaibigan Sabay-sabay Naabot ang Pangarap

Image
Matapos ang siyam na taon, nagbunga na nga ang pangarap ng tatlong magkakaibigan. Ang makapagtapos sila sa kursong medisina at maging ganap na doktor. Makapaglingkod sa mga maysakit at makahanap ng lunas sa mga karamdaman. Mula high school ay magkakaibigan na sina Joieane Marie Macarubbo, Marie Clare Perez at Jovine Martin. Ngayon nga ay sabay sabay nilang naabot ang kanilang pangarap at tunay nga namang inspirasyon sila sa mga kabataan.  Photo by : Ching Macarubbo

MAGANDANG BALITA : Dating Jeepney Driver na Nakulong Pinatayuan ng Tindahan

Image
  Ang dating jeepney drayber na si Elmer Cordero na nakulong dahil sa pamamalimos ngayon ay inuumpisahan ng itayo ang kanyang munting tindahan.  Bunga ng nalikom na donasyon ng ating mga kababayan, hindi na muli mamamasada si tatay Elmer. Bakas sa kanyang muka ang saya at talaga namang hindi na makapaghintay na maipatayo ang tindahan. 

Kahapon ay Lumipas : Maikling Tula

Image
Kahapon lamang ay kayliwanag Mapupungay na mata at pakiwaring nangungusap. Mga pusong sumasayaw  Sa himig ng mga ulap. Bakit tila kay bagal ng usad nitong araw. Bumubulong sa hangin makita ka balang araw. Magbalik sa aking piling ikaw ang patunay, Kasama ka sa dalangin habang akoy nabubuhay. Sa mga awit natin magkaiba man ng liriko Hindi mawawaglit laman ng puso ko Pangalan mo'y isisigaw dahil ikaw ang buhay ko Hanggang kamatayan sa iyo ang kaluluwa ko. Panahon man ay lumipas Walang ibang mamahalin Matuyo man ang dahon kumupas man ang dilim Sa dibdib koy ikaw, ikaw lamang aking giliw.

Malagim na Gabi : Maikling Tula

Image
Sa dapit hapon palubog ang araw. Walang patid ang ihip ng hanging dumadampi sa katawan. Paparating ang unos at nagdilim ang kalangitan. Tila may pagbabadyang babagsak na ang ulan. Malamig, malamyos dumadampi sa bibig. Ang usok ng katawan ay nagsusumidhi. May poot may pait kumukuyom ang palad. Habang nakagapos ay nagpupumiglas. Nasaan ang lubid?? Wari ay nakabibighani Sadyang lumalapat sa pitagang hinabi. Likidong pula kusang namumutawi. Mga matang lumuluha'y pilit pinapawi. Nagliwanag ang kalangitan tila baga may panganib. Pangamba ng damdamin tuluyang lumupig. Darating pa ba ang umagang iniibig Paglaya at pagsinta atin pa bang makakamit? Bumuhos ang ulan kasabay ng pag agos Pagibig na wagas ay tuluyang natapos Bawat patak nitoy tila tumatagos Sa kaibuturan ng pusod ng unos. 

How to Commute from Manila to St. Padre Pio Chruch

Image
St. Padre Pio church in Sto Tomas Batangas is known as the National Shrine of Saint Padre Pio in the province. Here are some alternative ways on how to commute from Manila to St. Padre Pio. If you are coming from Pasay or Manila Area, here are the guidelines. 1. From Buendia Terminal in Pasay, ride the bus going to Lucena or any bus en-route to Quezon Province. 2. Ask the bus conductor to drop off at St. Padre Pio. 3. Once you drop off there are tricycle drivers will take you to the church directly. If you are coming from Quezon City, here are the guidelines. 1. From Cubao Terminal, ride the bus going to Lucena or any bus going to Quezon Province. 2. Drop off at St. Padre Pio church. 3. Ride tricycle to church.

How to Commute from Manila to San Juan Batangas

Image
San Juan is one of municipality of Batangas Province. Here are some of alternative ways of transportation to San Juan from Metro Manila. If you are coming from Quezon City, here are the guidelines. 1. From Cubao Terminal, ride the bus with the signage Lipa/SM. 2. Drop off at SM terminal. 3. Ride the jeep/van with the signage San Juan Batangas. 4. Once you reached the town proper. There are several tricycles will take you to different barangays. If you are coming from Pasay or Manila area here are the guidelines. 1. From Buendia Terminal, ride the bus (ALPZ). This bus will directly take you to San Juan town proper. 2. You can also ride the bus with the signage Lipa/SM. 3. Drop off at SM terminal. 4. Ride the jeepney/van en-route to San Juan Batangas.

VIRAL : DELIVERY BOY UMANI NG SIMPATYA SA MGA NETIZENS

Image
         Ayon sa post ng isang netizen na si Bernard Enriquez, isa na namang Food Panda rider ang nabiktima ng modus na fake orders. Pinangalanan ang babaeng si Jane Castro na diumano'y utak ng modus na ito. "Nasaan na si Jane Castro?? (who ordered thrice, first milk tea and then Jollibee). Another victim of food order delivery via Food Panda, actually this was the 3rd motorcycle came today to our residential address (9-door apartment) looking for Jane and these items intended for Frontliners?? This time she ordered Mang Inasal, more than 25boxes of PM1 plus Halo-Halo and lots of extra rice.  The delivery boy even returned to the store to get the 2nd batch of orders.   First she was responding to the del. boy and after few txt msgs....she was unresponsive and cannot be contacted anymore (due to cancellation or what?). The total amount is Php5,800.00. The first 2 riders who came few minutes earlier of the same stories.  She ordered milk tea and som...

How to Commute from Manila to Balagtas Bulacan

Image
Balagtas is one of the municipality of Bulacan. Here are some alternative ways on how to commute from Manila to Balagtas via bus transportation. There are several bus station in manila preferably in Quezon City and Divisoria Manila. When you are commuting from Manila Area, here are the guidelines. 1. The bus terminal is beside PNR station and in front of Tutuban Mall in Divisoria. 2. Ride the bus  (GERMAN ESPIRITU LINER). These bus is en-route to Bulakan, Bulacan. 3. Ask the bus conductor to drop off at Balagtas City Hall. 4. Once you reached the city hall, there are several tricycle en-route to each perspective barangays. When you are commuting from Quezon City area, here are the guidelines. 1. In Cubao, Quezon City ride the bus (GERMAN ESPIRITU LINER). 2. Drop off at Balagtas City Hall. There are also bus terminal in Monumento. (R&J) bus en-route to Balagtas. The drop off point will be in their terminal beside Ultra Mega Supermarket.

How To Commute From Manila to Rosario Batangas

Image
Rosario is one of the municipality of Batangas Province. Here are some alternative ways in commuting from Manila to Rosario Batangas. 1. Ride a bus going to Batangas Pier in buendia terminal in Pasay City, drop off at tambo exit. 2. Ride a jeepney or tricycle going to Lipa town proper and drop off at Rosario Terminal. 3. Ride a jeepney going to Rosario Town proper. 4. Once you reached the town proper there are several tricycle en-route to each barangay. There are also bus station en-route  to San Juan, Batangas. (ALPS) in Pasay Terminal or Cubao Terminal in Quezon City.  1. Ride a bus and drop off at Rosario Town Proper. 

Habang May Bukas

Image
        Bakit nga ba tayo nabubuhay? Maraming tao ang nangangarap ng marangyang kabuhayan at mga materyal na bagay. Marami rin naman ang kuntento na lamang sa payak na pamumuhay. Simple ngunit puno ng kasiyahan. May mga taong nakapagtapos ng pag-aaral mayroon din namang hindi. May mga yumaman dahil sa pinag-aralan at mayroon ding umangat dahil sa diskarte sa buhay. May mag-asawang biniyayaan ng anak at mayroon namang nangangarap pa rin na sila ay pagkalooban. Iba-iba man ng tinatahak sa buhay may nagwawagi at may nabibigo, iisa lamang ang hangarin nang bawat isa ito ay ang patuloy na mangarap. Libre lang naman ang mangarap at nasa iyong mga kamay ang sagot sa katuparan nito.                 Sa mga taong nasa maayos na kalagayan ngayon napakabuti ng Panginoon sa inyo. Pagyamanin pa lalo ninyo ang inyong kakayahan. Sa mga naligaw ng landas at hanggang ngayon ay sinusubukan pa ring bumangon huwag kayong mawawalan ng pag-asa. ...

Life in the midst of Quarantine

Image
            Bunsod ng pandemic na Covid-19 halos buong mundo ang nagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Isa sa pinaka mahirap na parte ng buhay ng tao ngayon ay ang maisailalalim sa tinatawag na lockdown. Bawal lumabas ng tahanan, lahat ng mga nakasanayan ay iisang tabi muna lamang. Napakahirap subalit wala tayong magagawa kundi ang sumunod. Isipin na lamang naten na ito ay para sa ating kaligtasan. Dalangin natin ang mabilis na pagsugpo sa sakit na ito upang makabalik tayo sa ating normal na buhay.

TRENDING : PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG AMA SA GITNA NG SUNOG HINANGAAN NG MGA NETIZENS

Image
           Hindi pa man natatapos ang panganib na dulot ng sakit na Covid-19 isa na namang kalbaryo ang hinaharap ng mga mamayan ng isang barangay sa Tondo lungsod ng Maynila. Noon lamang sabado ika-18 ng Abril, isang sunog ang lumamon sa mga kabahayan sa isang barangay sa Tondo. Ang naturang lugar ay tinawag na Happy Land. Umabot pa sa Task Force Bravo ang alarmang naidulot ng nasabing sunog bago ito naapula bandang ika-10 ng umaga.            Sa kabila nito makikita ang larawan na ipinost ng isang netizen na tunay nga namang nakaantig sa puso ng marami. Habang ang iba ay abala sa pagliligtas ng mga gamit ang isang ito'y hindi nagatubiling buhatin at ilayo sa sunog ang kanyang ama. Hindi niya alintana ang mga naiwang gamit sa nasusunog na bahay masiguro lamang ang kaligtasan ng kanyang ama. Isang napakagandang ehemplo ang ipinamalas ng lalaking ito. Tunay ngang siya ay dapat na tularan. Busilak ang puso at nanging...

Mga Paraan Upang Makaiwas sa COVID-19

Image
Mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. 1. Manatili sa bahay/tahanan.    - kung walang mahalagang bibilhin at dahilan para lumabas ng tahanan mas mainam ang manatili               sa loob ng tahanan. 2. Ugaliin ang paghuhugas ng Kamay   - panatilihin ang kalinisan simulan sa sarili. Hugasan ng higit o dalawampung minuto ang mga kamay at iwasan humawak sa bibig at mukha. 3. Umiwas sa matataong lugar.   - dahil sa banta ng virus umiwas sa matataong lugar at panatilihin ang Social Distancing. Iwasan rin ang pakikihalubilo sa mga tao. 4. Siguraduhin may sapat na bitamina ang katawan.   - para makaiwas sa sakit mainam na uminom ng mga bitaminang pampalakas ng resistensya upang hindi madaling dapuan ng sakit. 5. Sumunod sa mga patakaran ng pamahalaan.   - mahigpit na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine kaya't hinihikayat ang lahat na sumunod. Maging mapagmatyag at manood ng balita upan...

DUTERTE : The Greatest President of all Time

Image
           Pagpasok pa lamang ng taon ay hindi na mabilang ang mga trahedyang naranasan ng sambayanan. Mula sa pagputok ng taal hanggang sa paglaganap ng sakit na corona virus. Bilang isang mamayang Pilipino batid ko ang bigat ng problemang hinaharap ngayon ng ating pangulo. Bakas sa kanyang mukha ang pagod at higit sa lahat ang pag-aalala. Paano nga ba malalampasan ang trahedyang ito kung ang mismong kalaban ay hindi naman nakikita. Unti-unting sinasakop ng sakit na ito ang buong mundo kabilang na nga ang Pilipinas. Wala pang lunas at tunay ngang nakakabahala. Libo-libo na ang kinitil na buhay walang pinipili mayaman man o mahirap.       Sa pagkakataong ito kailangan ng pangulo ang kooperasyon hindi lamang ng kanyang mga ka-alyado kundi ang buong sambayanang Pilipino. Pinipilit ng pangulong maibigay sa atin hindi man lahat ng pangangailangan subalit sinisikap nyang matugunan ito. Ginagawa nya ang lahat ng kaniyang makakaya para mapr...

Tula ng Pagbangon

Image
Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit nagkakaganito? Tila lahat ay napagod pati pag-ikot nitong mundo. Bawat patak ng luha mga tinig ng sakripisyo. Hanggang kailan nga ba ang paghihirap na ito? Napakapait pagmasdan na ang dating masiglang bayan Ngayon ay puno ng pighati, pasakit at katanungan? Paano tayo babangon? Paano ang kinabukasan? Kahit ang pinuno ay hindi alam ang kalaban. Dapat nating tandaan na ito ay pagsubok lamang Marahil bigay ng Diyos upang kanyang ipaalam Pananampalataya ng bawat isa ay tila nakakalimutan. Kaya't sa panahong ito ang panalangin ay mainam. Sabay-sabay nating sugpuin ang kalaban natin Magkaisa tayo, pagmamahalan ay pairalin. Pasasaan ba at ito'y lilipas din. Kung ang bawat isa ay may mabuting hangarin. Bayan kong Pilipinas pagibig sa iyo'y wagas. Haharapin natin ng may pagasa ang bukas. Iwawagayway natin bandila mo hirang. Babangon tayo ng may dunong at tapang.

Fight Depression or Else it will Kill You!

Image
Paano nga ba malalabanan ang takot o depresyon?? May tatlong bagay na kailangang gawin para malabanan ang ano mang takot sa buhay. 1. Kailangang may pananalig sa Diyos.     - malalampasan natin ang ano mang problema kung buo ang ating pananampalataya sa Kanya.     - isuko natin sa kanya ang ating sarili upang maipagkaloob sa atin ang kalakasan at ang malinaw na       kaisipan. 2. Kailangan ang suporta ng Pamilya.    - mas madali tayong makakalimot sa ano mang pinagdadaanan kung may pamilya tayong aagapay      sa atin.    - kailangang maging bukas tayo sa ano mang suhestyon at kailangang tanggapin natin ang sasabihin      nila sa atin masama man o mabuti sa ganoong paraan gagaan ang ating pakiramdam. 3. Tulungan natin ang ating Sarili.    - bukod sa Diyos, sa ating Pamilya walang sinuman ang makakatulong sa atin kundi ang ating sarili      lamang.   ...